Kung mahal ka talaga ng lalaki, hindi mo kailangang magtanong kung mahal ka niya. Ipaparamdam niya ito sa’yo sa simpleng paraan—sa bawat oras na sinasabi niyang “kumusta ka?” o sa paraan ng pag-alala niya kung kumain ka na ba. Hindi niya ipaparamdam sa’yo na kailangan mong maghabol o mag-alala kung nasa puso ka niya, kasi siguradong-sigurado ka na mahalaga ka sa kanya.
Kung mahal ka talaga ng lalaki, hindi lang salita ang pinapangako niya. Gagawa siya ng paraan para ipakita na hindi lang siya narito para sa magaganda at magagaan na panahon. Kasama siya sa hirap, sa lungkot, sa pag-iyak mo sa mga gabing akala mo wala nang pag-asa. Pipilitin niyang gawing magaan ang bigat na dala mo at gagawin niya ang lahat para mapangiti ka kahit sa pinakamadilim na araw mo.
Kung mahal ka talaga ng lalaki, hindi mo kailangang baguhin kung sino ka. Tanggap ka niya—sa flaws, sa insecurities, at kahit sa mga araw na hindi mo mahal ang sarili mo. Mahal ka niya hindi dahil perpekto ka, kundi dahil ikaw iyon. Mahal ka niya dahil nakita niya ang halaga mo kahit hindi mo pa ito nakikita sa sarili mo.
Kaya huwag kang matakot magmahal, pero piliin mong mahalin ang taong hindi mo kailangang tanungin o pilitin. Kasi kung mahal ka talaga ng lalaki, ipaparamdam niya iyon sa’yo nang buong-buo, hindi lang sa salita, kundi sa aksyon, pang-unawa, at pagmamahal na walang kundisyon.
Ctto
