Page 1 of 1

Buhay-buhay topic, buhay mahirap.

Posted: Tue Sep 03, 2024 4:37 pm
by Titikim12
MALUNGKOT NA KATOTOHANAN 😔

₱60 kada kilo ng bigas na niluluto mo ng tatlong beses sa isang araw, katumbas ng 180, tumatagal ng 7 araw, katumbas ng 1,260 na agad!

Pagkatapos, ang ulam, kahit na budget mo lang ay 100 bawat kainan ng tatlong beses, kaya ito’y 100x3=300x7 araw = 2,100

Itally natin lahat 1,260 (bigas) plus 2,100 (ulam) = 3,360 sa loob ng 7 araw, Super budget ito ahh!

wala pa ung hingi dito hingi doon jan

Kaya paano pa tayo makakasurvive sa halagang 1k? 🤔

Hindi pa dito kasama ang stove at pagkain para sa mga bata at ang kanilang baon.

Paano kung mayroon kang sanggol? Diaper,Gatas,Wipes at Vitamins?

At ang iyong pang-araw-araw na gastos bilang isang manggagawa Pagkain & Pamasahe? 150x7 araw.

Mayroon ding mga bayarin para sa kuryente, internet, tubig at pangunahing pangangailangan (shampoo, sabon, toothpaste, =higit sa lahat SSS 1k buwan buwan, St Peter buwan buwan 900, Sun life 2k buwan buwan , bahay 7k  buwan buwan etc.) 🥺

PAANO TAYO MAKAKASURVIVE SA P600 RATE SA PH?
PAANO KUNG MAS MABABA PA SA 500 ANG SAHOD MO?

Utang dito! Utang doon! 😭
sad reality🥲

Now alam muna Kong gano ka hirap Ang Buhay.


Isa sa dahilan Kong bakit maraming marami babae pumasuk sa spa para mag service Ng clients nila dahil sa hirap Ng Buhay pamilya.

At isa sa dahilan na Kahit  may Asawa at anak Ang therapy nag- tratrabaho parin sa spa,nag- seservice parin sila sa spa at clients nila dahil Hindi sapat Ang pera na kinikita Ng Asawa nila para sa pangangailangan Ng pamilya nila.


MALUNGKOT NA KATOTOHANAN 😔

PERO DAHIL SA MAHAL LAHAT NG BILIHIN AT SA HIRAP NG BUHAY KAPIT PATALIM NALANG..