Page 1 of 3
Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Mon Sep 24, 2018 12:18 pm
by Asyong
Kailan ba dapat lumagay ang isang tao sa tahimik?
Kapag nasumpungan na ba niya ang taong mamahalin niya at gagawin niya ang lahat para sa taong ito?
O kapag nasumpungan niya ang taong kayang punuan ang kanyang pangangailangan?
Magpapatali ka ba sa matrimonya dahil magiging kumportable buhay mo, o gagawin mo yun kahit magdildil ka ng asin makasama mo lang ang taong mahal mo?
Handa ka na bang talikuran o isuko ang lahat ng mga bagay na nagagawa mo noon, mga bagay na nagagawa mo bilang isang indibidwal?
Handa ka na bang isuko ang iyong kalayaan?
Kailan nga ba dapat magpakasal upang hindi masakal at magsisi sa huli?
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Mon Sep 24, 2018 1:22 pm
by pacboy
based on experience ko .. kailangan mo talaga makasama ng matagal ung karelasyon mo bago mo masabi na papakasal..
kasi kung di mo talaga lubos kilala at papahirapan lang buhay mo..
nako bitaw na po.
ang karelasyon nagtutulugan di nagpapahirap sa isat isa
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Mon Sep 24, 2018 10:37 pm
by stinger122
Kailangan talaga bigyan ng sapat na panahon para makilala muna ang isat isa. Huwag magpapadala basta sa emosyon at pressure mula sa ibang tao at sa kaisipan na tumatanda na o nasa edad para mag asawa. Hindi din magandang basehan na may sapat na kayong naipundar o naipon. Mas mahalaga na kapwa kayo sigurado sa isat-isa, na kayo ay magsasama sa hirap at ginhawa. Mas maganda na habang sa panahon na nagkakakilanlan pa lang kayo ay masubok na agad ang pagsasama niyo, para nang sa gayon ay malaman niyong pareho kung sapat pa bang ipagpatuloy ang relasyon nyo hanggang kasal o dapat nyo nang tapusin ang lahat sa pagitan nyong dalawa.
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Tue Sep 25, 2018 1:55 am
by _GM_
Sa Panahon ngaun Maganda O Panget pwede kang lokohin o saktan.
Kaya talaga kailangan makilala mo ung tao na balak mong makasama habang buhay.
Aanhin ang ganda at sarap kung kapalit naman ay hirap.
Kaya please lang. Pumili ka ng taong di manloloko. kung feeling mo lolokohin ka man. wag ka maiinlove. maglokohan nalang kayo
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Wed Sep 26, 2018 11:34 pm
by tootsie❤️clara
Never in my Wildest dream for me Marriage is just a piece of Paper ( opinion ko lng )
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Thu Sep 27, 2018 9:51 am
by kaboooom
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Thu Sep 27, 2018 9:03 pm
by YVONNE
Yan ang isa s pinakamahirap n sagot
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Sun Oct 07, 2018 4:39 pm
by SexySachiSan
Getting Married,because it's one of the greatest gift that god ever gave us.
You’re healthier.
You report higher rates of happiness and lower rates of depression.
Your kids do better on every scale.
You live longer.
You have a lower chance of heart attacks and strokes.
That doesn’t mean it doesn’t take work. It doesn’t mean you don’t have to be careful who you marry.
It doesn’t mean that every marriage will be wonderful.
But it does mean that marriage, as an institution, is worth it.
CHEERS!
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Sun Oct 07, 2018 7:27 pm
by Kharnall
Single by Necessity
Re: Magpapakasal o Magpapasakal
Posted: Mon Oct 08, 2018 9:42 pm
by jackie_sy
Kapag sawa ka na maging single